May mga paniniwala na matutupad ang hiling ng isang tao kapag nakompleto niya ang Simbang Gabi. Si Ella, bumabalik ang alaala nang mag-wish siya noon sa simbang gabi nang makita niya sa simbahan ang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso sa unang pagkakataon--pero isang seminarista.

Kuwento ni Ella, sa unahan siya ng simbahan pumuwesto noon nang makita niya ang makisig na lalaking si Rick, na isang seminarista o planong magpari nang mga sandaling iyon.

Naramdaman kaagad ni Ella na na-love at first sight siya kay Rick at sinabi sa sarili na handa na siyang mag-nobyo kung si Rick ang ibibigay sa kaniya ng Diyos.

Dahil sa paniniwala na matutupad ang anumang hihilingan kapag nakompleto ang Simbang Gabi, kinompleto ito ni Ella, at ang kaniyang hiniling ay maging sila ni Rick.

Makamit kaya ni Ella ang kaniyang hiling kahit pa ang lalaking lihim niyang minamahal ay may bokasyon noong panahon iyon na maglingkod sa Diyos? Alamin ang ending ng kuwento ng pag-ibig ni Ella at magkatotoo kaya ang paniniwala sa sinasabing Simbang Gabi wish sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News