Isang mataas na opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang natagpuang patay at may tama ng bala sa loob mismo ng kaniyang opisina sa Maynila nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ang biktima na si Raoul Manguerra, hepe ng NBI counter-terrorism division.
FLASH REPORT: NBI-Counter Terrorism head Raul Manguera, natagpuang patay sa loob ng kanyang tanggapan sa NBI Headquarters sa Maynila, ayon kay NBI Spokesman Deputy Director Ferdinand Lavin. pic.twitter.com/mM0XoC0OHC
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 8, 2020
Isang tama ng bala sa katawan ang tinamo ni Manguerra.
Wala pang inihahayag na suspek ang NBI at patuloy pa ang imbestigasyon na iniutos ni NBI Director Eric Distor.
Naka-lockdown din ang punong-himpilan ng NBI habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa pangyayari.
NBI Headquarters sa Maynila, naka-lockdown matapos ang insidente ng pamamaril kay NBI Counter-Terrorism head Raul Manguera. | via @luisitosantos03 pic.twitter.com/4wotuQC39n
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 8, 2020
"The NBI is in a deep state of mourning. We condole with the family, relatives and friends of Chief Manguerra," saad ni Lavin sa ipinadalang mensahe sa mga mamamahayag.--FRJ, GMA News