Pinapaniwalaan na noon pang 11th century ginagamit ng isang barangay sa Austria ang kanilang pangalan. Pero tila hindi na kinaya ng bagong henerasyon ng "Fuckingers" na maging tampulan pa sila ng biro at tukso lalo na sa panahon ngayon ng social media.
Sa munisipalidad ng Tarsdorf sa Austria (350 kilometro ang layo sa Vienna), matatagpuan ang isang barangay na tinitirhan ng mahigit 100 katao. Ang pangalan ng barangay--Fucking.
At ang mga residente sa barangay, tinatawag na "Fuckingers."
Sa ulat ng Agence-France-Presse, sinabing sa pagpasok ng 2021 ay magkakaroon na ng bagong pangalan ang naturang barangay bilang--Fugging.
Sinasabing inaprubahan ng konseho ng munisipalidad ang pagpapalit ng pangalan ng barangay.
Sa pagdami ng English-speaking tourists sa lugar, may mga bisita na tumitigil sa signpost sa entrada ng barangay para magpakuha ng larawan, poporma ng kahalayan at saka ipo-post sa social media.
Madalas din umanong nakawin ang mga signpost sa barangay para gawing souvenir.
Dahil dito, napilitan ang mga awtoridad na gawing gawa sa bato ang kanilang mga signpost na nakalagay ang pangalan ng barangay.
Hanggang sa magpasya na ang mga residente ng barangay na pumayag nang magpalit ng pangalan.
Kinumpirma ng alkalde ng Tarsdoft na si Andrea Holzner, na papalitan na ang pangalan ng barangay.
"I really don't want to say anything more — we've had enough media frenzy about this in the past," sabi ng alkalde sa regional daily Oberoesterreichische Nachrichten (OOeN).
Ayon sa Austrian daily Die Presse, sinabi umano ng mga residente barangay na napuno na sila sa mga masamang biro.
Pero tila hiSa ilang ulat, sinasabing nagbago ang baybay at bigkas sa pangalan ng barangay sa paglipas ng mahabang panahon.ndi masaya ang lahat sa magaganap na pagbabago sa pangalan ng barangay.
"Don't people have any sense of humour these days?" sabi ng isang nagbabasa sa OOeN.
Pahayag naman ng isa pa: "They're getting free publicity -- they ought to have been happy to have a funny name."
Nagsimulang makilala ang barangay nang maibalita ito nang maging backdrop sa libro ng Austrian novelist na si Kurt Palm, naging pelikula.
Sa ilang ulat, sinasabing nagbago ang baybay at bigkas sa pangalan ng barangay sa paglipas ng mahabang panahon.
Batay sa kasaysayan, nagsimulang tirhan ng mga tao ang lugar noong 1070. May mga kuwento rin na isang sixth century Bavarian nobleman ang namuno sa paninirahan sa lugar na ang pangalan ay Focko.
Sa isang mapa noong 1825, ginamit na baybay sa barangay ay Fuking.
Sa katabing bansa nito na Germany, makikita ang munisipalidad na may barangay na ang pangalan naman ay Petting. —AFP/FRJ, GMA News