Nang magtungo ang "Born To Be Wild" sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), ipinakita kay Doc Ferds Recio ang nakumpiskang mga sako-sako ng kaliskis ng critically endangered pangolins. Bukod sa kaliskis, may mga patay na pangolin din na nakalagay sa mga container.

Ayon kay Doc Ferds,  maaaring nasa isang libong kilo ang sako- sakong kaliskis ng pangolin na ipinakita sa kanila ng PCSD na nakatabi sa bodega na pinaglalagyan ng mga nakukumpiskang ebidensiya.

Para makaipon umano ang isang kilo ng kaliskis ng pangolin, nasa 10 pangolin ang kailangang patayin. 

Kaya ang katumbas umano nang lahat ng sako ng kaliskis na nakita nila sa PCSD,  tinataya ni Doc Ferds na nasa 11,000 pangolin na pinatay.

Bakit nga ba pinapatay ang mga pangolin para kunin ang kanilang kaliskis at karne?  Alamin ang kasagutan sa video na ito ng "Born To Be Wild."


--FRJ, GMA News