Maraming tradisyon na sinusunod ang mga Pinoy tungkol sa pagpanaw ng mahal sa buhay tulad ng "Pasiyam" at "40 Days." Bakit nga ba natin ito ginagawa at ano ang kahalagahan ng mga ito?
Sa programang "Mars Pa More," tinalakay ang ilan sa mga paniniwala tungkol sa paglilibing ng namayapang mahal sa buhay at ilan sa mga umano'y dapat at hindi dapat gawin pagkatapos na maihatid sa huling hantungan ang namatay.
Kabilang na rito ang kung ano ang dapat gawin sa kuwarto ng taong namayapa na bago at matapos sumapit ang kaniyang tinatawag na "40-days." Panoorin.
--FRJ, GMA News