Posible pa kayang mabigyan ng magkahiwalay na buhay ang conjoined twins na sina Maurice Ann at Klea Ann Misa kahit maging komplikado ang kanilang magiging sitwasyon dahil nagsasalo sila sa isang pares ng kidney?
Bagaman sa ulo lang magkadikit sina Maurice at Klea, at magkahiwalay ang kanilang mga katawan, lumitaw na isa sa kambal ay hindi gumagana ang kidney o bato.
Kaya naman ang maayos na pares ng bato ng isa sa kambal ang nagtatrabaho para sa kanilang dalawa.
Pero bukod sa komplikasyon sa bato, posible rin daw na maapektuhan ang development ng kambal kapag pinaghiwalay sila dahil mayroon umanong ugat sa utak na maaaring tamaan.
Sa ganitong komplikadong sitwasyon, ano kaya ang magiging desisyon ng mga magulang nina Maurice at Klea, pagdating sa usapin kung dapat pa ba silang paghiwalayin o hayaan na lamang na magkadikit? Panoorin ang kanilang kuwento sa video na ito ng "Tunay Na Buhay."
Sa kabila ng kanilang kalagayan, larawan pa rin ng masayahing mga bata ang kambal at handang lumaban sa buhay.
--FRJ, GMA News