Bagaman makaiiwas na makakuha ng COVID-19 kapag naka-work form home set-up at online classes, may peligro pa rin na tamaan ng ibang karamdaman habang nasa bahay lang dahil naman sa sobrang pagkakababad sa computer at iba pang gadgets.
Sa episode na ito ng programang "Pinoy MD," alamin ang mga posibleng sakit na maaaring makuha sa sobrang "screen time" sa computer at mga gadgets tulad ng tinatawag na computer vision syndrome o digital eye strain at ang "brain fog."
Alamin din kung ano ang mga paraan na puwedeng gawin para maiwasan ang mga sakit na dulot ng sobrang pagko-computer. Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News