Alamin kung saan makikita at saan nga ba gawa ang itinuturing pinakamahal na face mask ngayon sa mundo na nagkakahalaga ng $1.5 milyon o katumbas ng mahigit P73.2 milyon.
Sa ulat ng Reuters, sinabing isang anonymous art collector ang kumontrata sa isang Israeli jeweler upang magpasadya ng pambihirang face mask na mayroong 18-karat gold at 3,600 diamonds.
Mayroon din umanong N99 filter ang face mask.
Umabot umano sa 25 katao ang bumuo sa grupo na nagtulong-tulong para magawa ang bonggang face mask.
The world’s most expensive face mask? An anonymous art collector commissioned an Israeli jeweler to custom-make one from 18-karat gold and 3,600 diamonds https://t.co/oTwFHhHIzE ???? pic.twitter.com/vbcnXTSjPV
— Reuters (@Reuters) August 13, 2020
"The gentleman is a Chinese that we know from years ago. He lives in the United States, he is a young old customer of ours," ayon kay Isaac Levy, may-ari ng Yvel Jewelry brand.
Paglalarawan niya sa nagpagawa ng mamahaling face mask, "very charming, very outgoing, very wealthy and he likes to stand out so I guess this is one of his ways of doing that."
Sabi pa niya, "He lives in the United States and most probably he is going to use it, I don't know, I don't think he is going to use it going to the supermarket but he is going to use it here and there I'm sure." -- Reuters/FRJ, GMA News