Isang babaeng turista na nag-i-snorkeling sa karagatan ng Australia ang isinugod sa ospital matapos mahampas ng buntot ng butanding o whale shark.
Sa ulat ng Agence France Presse, sinabing lumalangoy ang 29-anyos na biktima malapit sa Ningaloo Reef sa Indian Ocean nang tamaan siya ng buntot ng dambuhalang balyena.
Ang rescue unit ng St John Ambulance, sinabing inilipad ang babae sa Perth para sa emergency treatment.
Ayon sa isang tagapagsalita, nagtamo umano ng "chest injuries" ng biktima at inilarawan ang kaniyang kalagayan na "serious but stable condition."
Karaniwan umanong nakakakita ng mga butanding sa lugar at maging ang mas malalaking balyena na humpbacks.
Kilala naman daw ang dalawang uri ng balyena na mapagmasid sa mga tao at bangka.— Agence France-Presse/FRJ, GMA News