Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ilang insidente ng pagkasunog ng gamit sa tabi ng mga bahay ang nangyari sa isang barangay sa Tigaon, Camarines Sur. Ang ilang residente, ang bolang apoy na kung tawagin ay "santelmo" ang pinaniniwalaan nilang nasa likod ng mga insidente ng pagliyab ng mga gamit.
Ayon sa isang albularyo, naghihiganti ang nilalang na santelmo dahil nagambala ang pananahimik nito nang pumunta ang isang grupo ng mga kabataan sa isang kuweba.
Magmula raw nang puntahan ang mga kabataan ang kuweba, doon na raw nagsimula ang insidente pagkasunog ng ilang gamit ng mga residente na dahilan para naman mabahala ang mga tao dahil sa takot na pagmulan ng isang malaking sunog.
Ano nga ba ang "santelmo" at bakit hindi naniniwala ang mga taga-Bureau of Fire Protection na ito ang nasa likod ng pagkasunog ng ilang bagay sa barangay?
Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho.
--FRJ, GMA News