Mula nang makarating sa Cuba ang coronavirus disease 2019 o COVID-19, naging pamilyar na sa isang lugar sa Havana, Cuba ang naglalakad na karton na tila robot o bahay.
Ang naturang karton ay ginawang panangga sa virus at isinusuot ng 82-anyos na si Feridia Rojas, sa tuwing lumalabas ng bahay upang mamili ng kaniyang kailangan.
Sa Twitter post ng Reuters, makikita na may butas sa harap ang karton na nilagyan ni Rojas ng plastic para makita niya ang kanilang nilalakaran.
Hanggang sa binti ang abot ng karton at may butas sa magkabilang bahagi ng kaniyang braso.
Sinasabi ng mga eksperto na mas peligroso ang mga nakatatanda kapag dinapuan ng COVID-19.
"This is my little house. I use it to run errands that are a little further away, and I feel protected by it, which is why I use it," sabi ni Rojas na dating nurse.
"I was afraid of the asymptomatic cases, that they would cough at the moment I passed by. So I thought, I'll do a little house with a cardboard box and wear it," patuloy niya.
This 82-year-old woman in Cuba roams around the suburbs of Havana, from the bakery to the butcher, in a cardboard box to shield herself pic.twitter.com/j9A0Kd1PWj
— Reuters (@Reuters) June 19, 2020
Ang ibang nakakakita kay Rojas, bilib sa kaniyang ginawa at nais na rin siyang gayahin.
"I'm going to get a cardboard box house. I'm gonna get two boxes right now. It's spectacular, you're at home and you're protected. Very nice, very good. People are coming up with new things," sabi ng isang residente. --Reuters/FRJ, GMA News