May kakaibang paraan ang magsasaka sa Saint-Viaud, France para alamin kung malusog ang lupa na kaniyang pinagtataniman--sa pamamagitan ng brief.

Sa ulat ng Reuters, sinabi ni Jerome Leduc, na nalaman niya na puwedeng gamitin ang underwear bilang panukat sa kondisyon ng lupa [kung malusog o hindi] nang sumali siya sa isang grupo na tinatawag na Farming for the Preservation of Soil.

Kasunod nito ay nakatanggap siya ng mga brief na kailangan niyang ibabaon sa lupa na may lalim na 20 sentimetro at iiwanan niya doon sa loob ng dalawang buwan.

 

 

Pagkaraan ng dalawang buwan, huhukayin niya ang brief para alamin ang kondisyon nito--kung mas gutay-gutay, mas maganda dahil indikasyon umano ito na malusog ang lupa dahil sa mga bulate doon, fungus at iba pang organismo na pumapak sa tela ng brief.

"Why underwear? Because on a pair of pants there's an elastic waist, and a label, which will remain at the end because they won't be eaten by organisms in the soil," paliwanag niya.--Reuters/FRJ, GMA News