Nang may namataan na isang puting paniki sa isla ng Samal sa Davao, ang ilan sa mga residente, nabahala. Pero may iba naman umaasa na baka may dala itong suwerte at maging hudyat upang makahanap ng lunas sa COVID-19.
Bagaman wala pang opisyal na kumpirmasyon na galing nga sa paniki ang COVID-19, may mga umaasa na baka may hatid na suwerte ang puting paniki na pangontra sa virus dahil sa kakaiba nitong kulay kumpara sa mga karaniwang paniki na itim.
Ayon sa mga dalubhasa, albino ang tawag sa mga puting paniki. Bagaman pambihirang makakita nito, hindi naman daw ito unang pagkakataon na may nakitang albino bat sa Davao, at maging sa iba pang lugar.
Pero paglilinaw pa ng dalubhasa, walang kinalaman ang kulay ng paniki para sa inaasahang lunas sa COVID-19.
Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang paliwanag ng mga dalubhasa tungkol sa nakitang albino bat sa Samal, at ang video para patotohanan na hindi edited ang lumabas nitong larawan sa social media. Panoorin.
--FRJ, GMA News