Pulis na sideline ang negosyong lechon, nakabangon matapos madapa sa pagsusugal
ENERO 16, 2026, 11:06 PM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
Sikat ang isang litsonero hindi lang dahil sa kaniyang yummy at crispy na lechon, kundi dahil na rin sa kaniyang pagiging matulungin sa Cavite City. Pero bago ang tagumpay, dumaan muna siya sa pagsubok nang malulong noon sa sugal. Alamin kung paano siya bumangon sa buhay.