Kayamanan ang mayroong masigla at maayos na kalusugan. Kung magkakasakit, mayroon daw mga alternatibo at tradisyunal na paraan ng panggagamot. Gaano nga ba kaligtas at ka-epektibo ang mga ito gaya ng acupuncture?
Sa programang “Pinoy MD”, sinabing itinatag Philippine Institute of Traditional and Alternative Healthcare (PITAHC) sa bisa ng RA 8423 o Traditional and Alternative Medicine Act of 1997.
Layon daw ng batas ang pag-aaral at paggamit ng tradisyunal at alternatibong panggagamot na napatunayang ligtas, epektibo, abot-kaya at pasok sa government standards na medical practices.
“Ang layunin po ng PITAHC ay para po ang tradisyunal at komplementaryong panggagamutan ay masiayos po at maging parte ng po paglalahad ng panggamutan sa madlang tao,” ayon kay PITAHC director general Dr. Annabelle Pabiona-De Guzman
“Masyadong importante po ito kasi it can provide a better option for healthcare sa ating mga Pilipino hindi na kailangan na puro western medicine na lang tayo lalo na doon sa hard-to-reach areas,” dagdag pa ni Pabiona-De Guzman.
Ano-ano nga ba ang halimbawa ng tradisyunal at alternatibong panggamot na isinasagawa ng PITAHC? Alamin ang mga ito sa video ng "Pinoy MD."-- FRJ, GMA Integrated News