Masarap ang kape lalo na kung mainit. Pero ang Turkish coffee, mas malinamnam daw kapag pinainit na hindi direkta sa apoy, kung hindi sa mainit na buhangin.

Sa programang "Dapat Alam Mo," sinabing binitbit ng Turkish na si Emrah Bardako, ang kanilang Turkish coffee nang magpunta siya sa Pilipinas dalawang taon na ang nakararaan. 

Ipinakita ni Emran kung papaano inihahanda ang Turkish coffee na inilalagay ang tubig sa Cezve o copper-made pot para madaling uminit.

Ibinabaon ang pot sa mainit na buhangin at saka titimplahin ang kape. Hindi raw ito dapat haluin habang hinihintay na bumula ang kape, pero hindi rin dapat umabot sa pagkulo ang tubig..

“A good Turkish coffee should be with foam on the top," ani Emrah. "Not like a cappuccino in thickness, but there should be with little foam on the top."

Pero ano naman kaya ang kape na paulit-ulit na isinasalin sa dalawang baso? Alamin ito sa video ng Dapat Alam Mo.--FRJ, GMA News