Pumanaw na ang dating presidente ng Pilipinas na si Fidel V. Ramos sa edad na 94. Sa kaniyang pagpanaw, ginunita ang kaniyang mga nagawa para sa bansa.
Ang batikang broadcast journalist at GMA News pillar na si Jessica Soho, binalikan ang panahon nang matutukan niya ang paraan ng pagtatrabaho ni Ramos na nagsisimulang bumangon ng 4:00 am.
Hanggang sa matapos ang kaniyang termino bilang pangulo noong 1998, hindi na muling humawak ng puwesto sa gobyerno si FVR.
Tunghayan sa video na ito ang ulat ni Jessica noong 2013 kung saan ikinuwento ni FRV ang kaniyang buhay sa labas ng pulitika. Panoorin. --FRJ, GMA News
