Sa loob ng apat na oras, isang namimingwit ng isda sa Marikina river ang nakahuli ng limang Cream Dory na tinatayang aabot lahat sa 30 kilo ang bigat.
Nagtungo ang "Born To Be Wild" team sa naturang ilog para subukan na manghuli ng naturang isda na hindi orihinal na nanggaling sa Marikina river.
Ayon kay Erwin Dulas, nakahuli sa limang cream dory, naibebenta nila sa palengke ang naturang isda sa halagang P60 ang bawat kilo.
Pero saan kaya nanggaling ang mga cream dory na isang invasive o alien fish sa Marikina? Katulad nang nangyari sa ilog sa Bulacan na sinakop na rin ng isang dayuhang isda na Snakehead, na lumalapa sa ibang maliliit na isda tulad ng tilapia at bangus. Panoorin ang buong report.
--FRJ, GMA News