Hirap kumain at magsalita, nabibiktima pa ng bullying ang 11-taong-gulang na si Ethan Tocaben dahil sa malaki niyang dila. Ano ba ang kaniyang kondisyon at maaari pa nga ba itong gamutin?
Isang overseas Filipino worker ang ina ni Ethan kaya ang mga lolo at lola niya ang nag-aalaga sa kanilang magkapatid.
Sa kabila ng kaniyang kalagayan, tumutulong si Ethan sa kaniyang lolo't lala sa mga gawaing-bahay.
Bata pa lang, napansin na raw na iba ang hitsura ng dila ni Ethan.
Sinabihan daw sila ng duktor na liliit naman ang bukol sa dila ng bata habang lumalaki. Ngunit sa halip na lumiit, nagpatuloy sa paglaki ang bukol.
Ngayon, lumobo na nang tuluyan ang dila ni Ethan at nakalabas na sa kaniyang bibig. Kapansin-pansin na namaga na rin ang ibabang bahagi ng kaniyang labi.
Sa pagsusuri, napag-alaman na mayroong "vascular tumor" si Ethan, o problema sa ugat. Maaari pa kayang magamot ang sakit na ito upang makapamuhay siya ng normal?
Tunghayan ang buong kuwento sa video ng "Pinoy MD."
--FRJ, GMA News