Isang netizen ang dumulog sa "Sumbungan ng Bayan" para humingi ng legal na payo kung ano ang maaaring ikaso sa isang kapitbahay na bukod sa tsismosa ay naninira pa umano ng pagkatao.

Paliwanag ni Atty. Rowena Daroy Morales, mayroong "simple" at "serious" na krimen sa oral defamation na maaaring isampang kaso laban sa mga tsismosa.

Ang simpleng oral defamation ay ang paninirang puri kung saan hindi gaanong seryoso ang paninira laban sa isang tao, at maaari pang ayusin sa barangay.

Ang serious oral defamation ang mas mabigat na akusasyon sa isang tao. Kabilang dito pagsasangkot sa isang tao sa krimen tulad ng estafa o pagpatay.

"Whether it's serious or grave, may danyos po. Puwede pong humingi ng danyos. At ang danyos ay depende sa kung ano ang naging epekto ng pagsisinungaling o oral defamation o paninira sa'yo," paliwanag ni Atty. Morales.

Dagdag pa niya, maaaring maging witness ang sarili kapag direktang sinabihan mismo ng paninira ng isang tao, o maaari siyang humingi ng tulong sa mga testigo.

Panoorin sa video ang buong talakayan.

--FRJ, GMA News