Sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19, nakapagtala ang Pilipinas ng record high na higit sa 10,000 na mga kaso nito lamang linggo. Sa kabila nito, may 21 lugar sa bansa ang zero COVID-19 cases pa rin hanggang ngayon. Anu-ano ang mga lugar na ito?
Sa "Need to Know," sinabing may 10 munisipalidad ang COVID-free sa Luzon, isa (1) sa Visayas at 10 sa Mindanao.
Isa na rito ang Burgos, Ilocos Norte, na may paghihigpit sa entry at exit points at quarantine pass, at may iisa lamang pinakikinggang polisiya.
Bukod dito, translated din sa Ilokano ang mga ipinamamahaging flyers para sa mga residente, dini-disinfect maging ang mga sasakyan, at kinakailangang magpalit ng damit ng mga papasok na tao.
Doble rin ang swab testing sa Burgos, na isang PCR Test sa pagpasok ng tao, at isang antigen test sa ikapitong araw ng pamamalagi niya sa munisipalidad, ayon kay Dr. Pamela Reyes, Rural Health Physician ng Burgos, Ilocos Norte.
Apat na munisipalidad din sa Batanes ang COVID-free: ang Mahatao, Ivana, Uyugan at Itbayat.
"Our government officials are very cooperative, and they trust science, they trust the doctors. At ang nagpapatakbo talaga ng provincial IATF namin ay mga doktor. Kaya naman we are able to create sound policies. Sa decision-making namin, talagang grounded on science and evidence," sabi ni Dr. Noel Bernardo, former member ng Batanes Provincial IATF.
Ano nga ba ang susi para maging COVID-19 ang mga lugar na ito? Panoorin ang buong pagtalakay sa video.
--FRJ, GMA News