Kapag "third eye" ang pinag-usapan, kaagad na papasok ang paksa tungkol sa mga multo at iba pang paranormal. Pero paliwanag ng isang spiritual activator, may iba pang gamit ang kakaibang abilidad na makatutulong sa isang tao para umasenso sa buhay.
Sa programang "Mars Pa More," ipinaliwanag ng spiritual activator na si Oliver Niñoto, na nalalaman ng isang tao kung bukas ang kaniyang third eye kung may mga panaginip siya nangyayari sa tunay na buhay.
Bukod dito, kung may nakikita siyang kulay sa palagid ng isang tao, na indikasyon ng enerhiya o aura.
Nakabase na ngayon sa Arizona, USA si Niñoto pero sa Pilipinas ay iniisip daw agad na multo lang ang makikita ng may third eye.
Pero sa kaniya raw karanasan, marami ang magagawa ng may third eye na makatutulong sa buhay, at maaaring hindi lang tungkol sa mga kababalaghan.
"If you don't want to see ghosts, if you don't want to see spirits, you don't have to," sabi ni Nñoto. "Third eye isa is how people process energy."
Paliwanag pa niya, "For me, when I think about the third eye, is like some people they see numbers repeating, 11-11, 2-2-2, 3-3-3 when they look at their phone. These are things that guide us from a higher power."
"For me third eye, if you want to use it for, let's say making more money or help you with finances, it can give you guidance. Or if you want a help with relationships," patuloy ng spiritual activator.
Puwede rin umanong maging "embodier" ang isang tao na bukas ang third eye kung saan maaari niyang maramdaman ang sakit o karamdaman ng isang tao.
Panoorin sa video ang isang paraan kung paano mabubuksan ang third eye.--FRJ, GMA News