Nang magkasakit at maospital ang kaniyang mahal na ina, nagpasya ang 20-anyos na charcoal artista na si Frederick na ibenta ang kaniyang mga iginuhit na larawan para makatulong sa gastusin sa pagpapagamot ng ina.

Hinangaan si Frederick dahil walang nagturo sa kaniyang gumuhit at sariling pagpupursige ang ginawang matuto dahil pagmamahal niya sa sining.

Ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang sakripisyo, binawian din ng buhay ang kaniyang ina.

Masakit man, pilit na tinatanggap ni Frederick ang katotohanan na wala na ang kaniyang ina at hindi na niya muling makakapiling.

Gayunman, nais ni Frederick na tuparin ang isang kahilingan ng ina na iguhit niya ang TV host na si Willie Revillame at maibigay sana nila ng personal.

Ipinagpapatuloy pa rin ni Frederick ang pagguhit upang makalikom ng pambayad sa naiwang bayarin ng ina sa ospital, at makapag-ipon para makapag-aral siya ng Fine Arts.

Tunghayan ang kuwento ni Frederick sa video na ito ng "Front Row."

Saan nga ba siya kumukuha ng lakas para patuloy na gumuhit ng mga larawan?



--FRJ, GMA News