Para maiwasan ang kalituhan, nilinaw ng National Quincentennial Committee (NQC) kung ano ang tamang baybay sa pangalan ng Bayani ng Mactan, Cebu kung Lapulapu ba o may gitling na Lapu-lapu.
“With the consent of the National Historical Commission of the Philippines (NHCP), the NQC will use ‘Lapulapu’ as the name of the Mactan leader,” batay sa pagsusuri na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019, ayon sa pahayag ng NQC na inilabas nitong Martes.
Binanggit ng NQC na ang pangalang isinulat ni Antonio Pigafetta sa kaniyang akda na Magellan-Elcano expedition ay "Çilapulapu."
Ayon sa NQC, ang “Çi” ang pangalan ng bayani “is most likely the ancient honorific title “Si.”
Batay umano sa pag-aaral ng mga dalubhasa, ang “Çi” ay sinaunang porma ng Hindu title na “Sri,” na patungkol sa isang "nobleman."
Maging sa 1951 historical marker sa Liberty Shrine sa Lapu-Lapu City ay "Lapulapu" ang nakalagay, ayon sa NQC.
Ipinaliwanag ng NQC na kailangan nilang linawin ang pangalan ng bayani dahil si Lapulapu ang magiging “central figure of the quincentennial.”
Ang 500th anniversary ng victory in Mactan, ang pagsisimula ng Kristiyanismo sa Pilipinas at iba pang makasaysayang pangyayari ay magiging bahagi ng 2021 quincentennial commemorations.
Ang paglilinaw sa pangalan ni Lapulapu ay bahagi rin ng planong pagpapalit sa pangalan ng Mactan-Cebu International Airport.
Nilinaw din ng NQC na iginagalang naman nila kung papaano ginamit at naisulat noon ang Lapulapu.
“What the NQC and the NHCP would like is for the Filipino people to first and foremost, stick to what is written in the historical documents,” ayon sa pahayag. – FRJ, GMA News