Parang miyembro na ng pamilya kung ituring ng mga marami ang kanilang mga alagang hayop tulad ng aso at pusa. Pero babala ng duktor, ingatan ang masyadong pagiging malapit sa fur babies na mayroong sakit dahil maaari nila itong maipasa sa kanilang fur parents.
Sa programang "Pinoy MD," sinabing "Zoonotic Infections" ang tawag sa pagkakahawa ng tao sa sakit ng hayop.
Kabilang daw sa mga sakit na maaaring makuha sa mga alagang hayop ay skin diseases at gastroenteritis infection.
Gaya ng kuwento ng isang pet owner na nagkaroon ng tinatawag na "galis-aso" dahil sa sakit ng kaniyang alaga. Papaano nga ba maiiwasan ang ganitong pangyayari? Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News