Kagigising lang pero pagod pa rin ang pakiramdam? Baka kulang ka sa tulog na masama raw sa kalusugan. Alamin sa video na ito ng programang "Pinoy MD" ang mga paraan upang makuha ang sapat na tulog na kailangan ng katawan.

Ayon sa duktor, may tamang bilang ng oras ng tulog na kailangan ng katawan upang makapagpahinga at makapag-rechange.

Kumbaga raw sa pera, kung hindi maibibigay sa katawan ang tamang bilang ng tulog, magkakaroon ka ng utang sa katawan na dapat mong bayaran.

At kung kulang sa tulog, lumalabas umano ang stress hormone na maaaring pagmulan ng mga malubhang sakit.

Sa panahon ngayon na may pandemic, kailangan umano ang sapat na tulog para mapalakas din ang resistensiya ng katawan.

Tunghayan sa video na ito ng "Pinoy MD" ang buong pagtalakay sa masamang epekto sa katawan ng kulang sa tulog, at ang payo ng duktor kung papaano ito maiiwasan.

--FRJ, GMA News