Ngayong may COVID-19 pandemic, ipinapayo ng mga dalubhasa na kailangang palakasin ang immune system para labanan ng katawan ang virus. At may mabisa raw na pampalakas ng resistensiya na hindi kailangang gumastos--ang pagtawa.
Bukod sa nagpapalakas daw ng immune system ang pagtawa, makatutulong din daw ang pagiging masaya upang makaiwas sa stress at makayanan ang mga dumadaang pagsubok sa buhay.
Panoorin sa "Family Time" ang paliwanag ng life coach na si Aiza Caparas-Tabayoyong kung paano tinutulungan ng pagtawa ang paggawa ng katawan ng cells para malabanan ang iba't ibang uri ng sakit.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News