Kung may taong babatiin, ano nga ba ang tamang sabihin: kamusta o kumusta? At kailan nga ba dapat gamitin ang "daw" at "raw"? Alamin ang mga sagot sa video na ito ng "Think Tok."
Ayon sa ulat ni Joseph Morong sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing "kumusta" ang tamang gamit sa naturang pagbati at hindi "kamusta."
Ang kumusta umano ay kaparehas na salitang Spanish word na "como esta" o "co estas," na siyang paraan ng pagbati ng mga Espanyol.
Pero alin nga ba ang tama: Ganun o ganon? At kailan dapat gamitin ang "daw, raw, din, rin?" Panoorin ang paliwanag. --FRJ, GMA News