Taong 1970's nang palubugin sa tubig ang lumang bayan ng Pantabangan sa Nueva Ecija upang gawin dam. Bakit nga ba napili ang naturang bayan na isakripisyo at ano ang nangyari sa mga taong naninirahan sa lugar, maging ang mga nakalibing sa sementeryo?
Kamakailan lang, marami ang namangha nang lumitaw ang malaking bahagi ng lumang bayan ng Pantabangan dahil sa pagbabaw ng tubig at muling nasulyapan ng mga tao ang bahagi ng simbahan, ang town marker, entablado at maging ang lumang sementeryo.
Bagaman may pagkakataon umano na sadyang lumilitaw ang labi ng lumang bayan kapag bumababa ang tubig ng dam, ito raw ang isa sa mga pagkakataon na malaking bahagi ng lumang bayan ang nagpakita.
Ang ilang residente na inabutan ang lumang bayan noong hindi pa pinapalubog sa tubig ang lugar, binalikan ang magagandang alaala at hitsura ng kanilang bayan.
Ngunit nno nga ba ang nagtulak noon sa gobyerno para piliin ang Pantabangan na palubugin sa tubig? At ano ang nangyari sa mga taong dating naninirahan sa naturang bayan? Tunghayan ang episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," at balikan ang kasaysayan ng Pantabangan.
--FRJ, GMA News