Isa sa sagisag ng kalayaan ng isang bansa ang watawat. Pero alam ba ninyo na may mga bansang magkakahawig ang mga bandila tulad ng Pilipinas at Czech Republic. Bakit nga ba? Alamin.
Ayon sa eksperto sa watawat na si Jake Beltran, mayroon 14 na "type" at dalawang sub-types ang mga watawat. Ang Pilipinas at Czech Republic, pareho ang disenyo na triangle type.
Batay sa mga miyembro ng United Nation (UN), 193 ang bandila sa buong mundo, at ilan sa kanila, magkakahawig.
Pero sabi ni Beltran, nagkataon lamang ang pagkakahawig ng ilang watawat.
"Masasabing nagkataon lamang sa pangkalahatan ang mga pagkakahawig sa kadahilang magkakaiba naman ang pinagmulan at kasaysayan sa likod ng pagkakagawa ng mga watawat," ani Beltran.
"Gayunpaman, pare-pareho ang simbulo ng mga watawat ng mga bansa 'yon, yung pagkilala sa kagitingan ng kanilang lupang sinilangan," patuloy niya.--FRJ, GMA News