Ipinaliwanag ng resident doctor ng programang "Pinoy MD" na si Dr. Oyie Balburias ang kahalagahan sa katawan ng Vitamin D na maaaring makuha sa sikat ng araw.
Sa video, ibinahagi ni Balburias ang obserbasyon ng mga dalubhasa sa Italy na karamihan sa mga matatandang tinamaan ng COVID-19 ay lumilitaw na kulang sa Vitamin D.
Ngunit bukod sa peligro sa COVID-19, sinabi ni Balburias na malaki rin ang tiyansa na magkaroon ng colon cancer ang mga tao na kulang sa Vitamin D. Panoorin ang kaniyang pagtalakay sa naturang isyu.
--FRJ, GMA News