Dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, hindi muna makapunta sa dentista ang mga tao para sa pangangalaga sa kanilang mga ngipin. Kaya habang nasa bahay lang at madalas kumain, dapat pangalagaan ang oral hygiene dahil posible rin itong maging daan para makakuha ng COVID-19.
Sa programang "Sumbungan Ng Bayan," ipinaliwanag ng dentistang si Dr. Dan Farnacio, na kung hindi inalagaan ng isang tao na may COVID-19 ang kaniyang oral cavity, maaaring impluwensiyahan ng virus ang bacteria na nasa kaniyang bibig.
Kung sakaling lumala ang problema sa bacteria, maaaring pumunta sa lalamunan ang impeksiyon at magdulot ng pneumonia, na delikado rin sa COVID-19, dagdag pa ni Farnacio.
Tunghayan ang buong pagtalakay ni Dr. Fatnacio sa isyung ito at kung paano mapangangalagaan ang oral hygiene sa video na ito. Panoorin.
--Jamil Santos/FRJ, GMA News