Sa panahon ngayon na ipinapayo na maglayo-layo muna para makaiwas sa banta ng COVID-19, tamang-tama ito sa isang pamilya sa Bulacan dahil kailangan nilang huwag masyadong magtabi-tabi lalo na pagtulog para hindi sila mahawa ng kutong namamahay sa ulo ng isang batang miyembro ng pamilya.
Dahil sa dami ng kuto, nagkakasugat-sugat na rin ang anit na bata na nabu-bully na rin daw sa eskuwelahan dahil sa kaniyang kalagayan.
Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," inihayag ng ina ng bata ang mga paraan na kanilang ginagawa para maalis ang kuto ng anak pero walang bisa.
Sa tulong ng isang espesyalista, ituturo nito ang pinakamabisang gawin para mawala ang kuto sa bata at magamot din ang pagkakasugat-sugat na sa anit niya.
Panoorin ang video at alamin ang puwedeng gawin ng mga may problema rin sa kuto na kadalasan daw aktibo lalo na ngayon panahon ng tag-init.
--FRJ, GMA News