Nito lamang linggo, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mahihigpit pang alituntunin at isinailalim ang Metro Manila sa "community quarantine" para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ang mga lokal na pamahalaan sa iba't bang parte ng Metro Manila, kumilos na sa pamamagitan ng disinfection sa mga paaralan at contact tracing tulad ng sa Pasig at Quezon City.
Balikan sa programang "Pinoy MD" kung paano nakukuha ang COVID-19, at ano ang gagawin para maiwasan ito. — Jamil Santos/DVM, GMA News