Idinulog ng isang babae sa programang "Sumbungan Ng Bayan" ang pamba-blackmail umano sa kaniya ng isang babae matapos niyang ibenta ang luma niyang cellphone. Nahalungkat umano ng suspek ang "pribado" niyang mga larawan dahil hindi siya nakapag-logout sa kaniyang social media account.

Kuwento ni "Melissa," hindi niya tunay na pangalan,  nagmamadali na siya noon kaya hindi na na-logout ang kaniyang kaniyang account at nagkasundo naman daw sila ng nakabili na ire-reset na lang ang cellphone.

Nagbanta ang suspek na ikakalat ang mga pribado nilang larawan ng kaniyang nobyo kung hindi siya magbibigay ng P20,000.

Wala raw sanang balak magbigay ng pera ng biktima pero napilitan siyang magbigay ng paunang P7,500.00 matapos siyang padalhan ng larawan kasama ang kaniyang nobyo habang nasa "private moment."

Dahil nagbigay ng pangalan ang suspek kung kanino ipadadala ang pera at kung saan sa pamamagitan ng money transfer, nakipag-ugnayan ang Sumbungan ng Bayan sa QCPD Anti-Cybercrime Division, kaya nadakip ang suspek.

Natuklasan naman na hindi ang suspek ang taong pinagbilhan ni Marissa ng kaniyang cellphone.

Alamin ang rekomendasyon ni Atty. Mario Maderazo hinggil sa kaso na maaaring isampa sa suspek at ang parusang kahaharapin ng mga taong mangingikil dahil sa mga kinuhang larawan ng mga biktima nang walang pahintulot. Panoorin ang video sa itaas.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News