Para personal na maranasan ang trabaho ng ilang naging paksa niya sa programang "iJuander," sinubukan ni Cesar Apolinario ang iba't ibang gawain tulad ng pagiging bantay sa bantayog ng bayaning si Jose Rizal.

Makaya kaya ni Cesar na hindi gumalaw sa loob ng dalawang oras nang nakatayo?



Inalam din niya ang hirap na pinagdadaanan sa pagbiyahe ng mga person with disabilities kaya gumamit siya ng wheelchair sa kalsada.



Sumabak din siya pagsasanay ng mga nangangarap na maging sundalo ng Philippine Marine Corps.


Maging ang lakas ng loob ni Cesar, nasubukan sa 'Festival of Fear' ng Malaysia.



Hindi rin niya inatrasan ang training na pinagdadaanan ng mga nais na maging kasambahay sa ibang bansa.



Nitong Biyernes,  pumanaw si Cesar sa edad na 46 dahil sa sakit na lymphoma. --FRJ, GMA News