Sa programang "Born To Be Wild," binisita ni Doc Nielsen Donato ang isang bakawan sa Languyan, Tawi-Tawi na posibleng pinamumugaran na ng mas malalaki at agresibong buwaya na nanggaling pa sa Malaysia o "Croc X."
Ginawa ng "Born To Be Wild" team ang pagbisita sa pagsapit ng gabi, kung saan mas aktibo ang mga buwaya.
At sa kanilang pag-iikot, namataan nila sa isang basakan o "marshland" ang nesting ground umano ng isang malaking buwaya.
Ito na kaya ang senyales na nagpapalahi na ang Malaysian saltwater crocodiles sa Pilipinas? Panoorin ang "Born to Be Wild: 12th Anniversary Series: Croc X Part 2." —Jamil Santos/NB, GMA News