Ikinalungkot at ikinagulat ng marami ang biglaang pagpanaw kamakailan ng presidente ng PAL Holdings Inc. (PHI) na si Lucio "Bong" Tan Jr. nang dahil sa "brain herniation." Ngunit ano nga ba ang sakit na ito at papaano maiiwasan?
READ: 53-anyos na negosyanteng si Lucio 'Bong' Tan Jr., pumanaw na
Sa programang "Unang Hirit," ipinaliwanag ng neurosurgeon na si Dr. Anabelle Alcarde, na epekto ng sakit sa utak tulad ng stroke, tumor, hydrocephalus o impeksiyon ang brain herniation.
Dahil nasa loob ng "rigid skull" o bungo ang utak, maaari itong maipit kung magkakaroon ang isang tao ng karagdagang lesion o sakit sa utak tulad ng blood clot o tumor. Sa paglaki ng tumor, mapapalitan nito ang posisyon ng utak at maiipit ang mga sensitibong bahagi tulad ng brain stem.
Ayon pa kay Alacarde, fatal ang magkaroon ng brain herniation.
Panoorin ang video sa itaas at alamin ang mga senyales na mayroong brain herniation ang tao, at ano ang mga nararapat gawin para maiwasan ito. --Jamil Santos/FRJ, GMA News