Sa programang "Mars Pa More," tinalakay kung papaano makaaapekto ang feng-shui sa pagtatayo ng negosyo.

Ayon sa Feng-shui expert na si Johnson Chua, tungkol sa placement o paglulugar ng mga bagay para maging maayos ang daloy ng enerhiya ang feng-shui.

"Feng-shui is everything about practicality," aniya.

Ipinaliwanag din ni Chua ang kahalagahan ng palay at asin bilang mahahalagang gamit sa feng-shui dahil sumisimbulo umano ang mga ng "earth" at "water."

May tinatawag din na tatlong uri ng "luck" pagdating sa feng-shui na-- "heaven luck," "earth luck" at "man luck."

Placement o environment ang kahulugan ng "earth luck," na ang ibig sabihin ay mas malakas ang tiyansa na lumaki ang pera ng isang nagtatayo ng negosyo kung maganda ang flow ng energy ng kaniyang lugar.

Samantalang depende naman sa "man luck" o diskarte kung paano palalaguin ang pera. Kaya raw ginagawa ang "personal reading" para malaman kung saan magaling o malakas ang isang tao.

Panoorin ang buong paliwanag ni Chua tungkol sa naturang talakayan na ito sa "Mars Pa More."

--Jamil Santos/FRJ, GMA News