Marami ang natakam at naintriga nang mag-viral sa social media kamakailan ang level-up na pagluluto ng balut. Ang tanong ng marami, saan ito matitikman?
Sa nag-viral na video, makikita ang balut na tinanggalan na ng balat, inilagay sa maliit na mangkok, tinimplahan ng herbs and spices at saka inihaw. Kaya naman sa tingin pa lang, nakatatakam na.
Pero alam ba ninyo na kahit kilala ang Pilipinas sa balut, hindi pala rito kuha ang naturang video. Alamin kung saan sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News