Mula sa tanong ng isang netizen, ipinaliwanag sa programang "Pinoy MD" ng oncologist na si Dr. Dave Ampil II kung ano ang deep vein thrombosis, o ang pamumuo ng dugo sa binti na maaaring makaapekto sa baga na kinalaunan ay magdulot ng mas malalang problema.
"Ang nangyayari, nagkakaroon ng clot sa loob ng ugat so nagko-cause siya ng pamamaga, pamumula at pananakit usually sa binti," paliwanag niya.
Pero hindi umano doon natatapos ang problema dahil ang mas malalang problema ay maaaring umakyat sa baga ang namuong dugo at doon naman mag-cause ng pagbabara sa daluyan ng dugo sa loob ng baga.
"Kapag nangyari na ito, magkakaroon na ng pulmonary embolism ang pasyente na isa sa mga pinakadelikadong sakit," paliwanag ni Ampil.
Ang naturang sakit ay madalas na tumatama sa mga bed ridden na tao kaya binibigyan sila ng prophylaxis para hindi mamuo ang dugo.
Alamin ang iba pang katanungan ng netizens na sinagot ni Ampil gaya ng ano ang mga posibleng dahilan ng madalas na pagkahilo at pamamanhid ng kamay hanggang braso. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News