Kamakailan lang ay ipinatupad sa isang barangay sa Baguio ang "anti-tsismis" ordinance kung saan bawal na sa mga residente ang pakikipagtsismisan. Ngunit bago pa man ito ipatupad, mayroon nang mga pwedeng ikaso sa mga nagkakalat ng tsismis.

Sa programang "iJuander," sinabing dalawa ang maaaring ikaso sa mga tsismoso at tsismosa. Una ay ang civil case kabilang na ang libel at slander.

Pangalawa ang slander by deed, na bukod sa paninirang puri ay may kasamang pisikal na pananakit.

Alamin ang pinag-ugatan ng "anti-tsismis" ordinance ng Barangay Upper Rock Quarry sa Baguio, at kung bakit mahilig na ang mga Pinoy sa tsismis kahit pa man noong unang panahon. Panoorin.



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News