Sa datos ng Philippine National Police, ang Region-4A ang may pinakamasikip na detention facility sa bansa. Kabilang dito ang Biñan, Laguna Custodial Facility kung saan kaniya-kaniyang diskarte ang mga bilanggo para makahanap ng puwestong tutulugan, na maging ang banyo ay ginawa na ring higaan.
Dahil sa pagsisiksikan, nagkakaroon na ng mga sakit sa balat ang preso. Bakit nga ba umabot sa ganitong kalagayan ang maraming piitan sa bansa? Panoorin ang ginawang pagtutok ng programang "Investigative Documentaries."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News