Matagal nang usap-usapan sa lalawigan ng Surigao del Norte  na mayroon umanong isang malaking kampana na gawa sa ginto ang inihulog sa isang "bito" o open underground cave sa bayan ng Del Carmen para itago sa mga sasalakay na pirata.

Sa tulong ng apat na professional divers, sisisirin ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang katotohanan kung totoo na sa isang bito nga sa Barangay Cangcohoy itinago ang sinasabing kampanya, o sadyang gawa-gawa lang ang istorya. Alamin ang kanilang natuklasan sa video na ito.




Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News