Dahil karaniwang kilala na mundo ng kalalakihan ang pulisya, nagkaroon noon ng pagdududa sa sarili ang transwoman na si "Jude" kung kakayanin ba niyang magtrabaho sa naturang sangay ng gobyerno.
Ngayon, isa nang opisyal bilang medical technologist sa PNP at nakatalaga sa Cebu si June, kung saan pinangangasiwaan niyang drug testing sa mga pulis. Dahil dito, mayroon umanong biru-biruan sa kanila na matindi siya dahil ang lahat ng mga dumadaan sa kaniyang opisina ay literal na "napapaihi."
Panoorin ang episode na ito ng "Front Row" at kilalanin si Jude kung papaano siya napasok sa pulisya, ano ang mga pagsubok na kaniyang hinarap, kung gaano kahalaga at kapeligro ang kaniyang trabaho, at anu-ano ang mga kasong na kaniyang nahawakan tulad ng Chiong sister murder case sa Cebu.
Inamin din ni Jude na minsan ding siyang umibig at nasaktan dahil sa isa ring pulis. Kung paano niya nalampasan ang sakit na dulot nito? Panoorin ang kaniyang kuwento.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News