Pagkaraan ng mahigit 24 na taon mula nang iwan siya sa simbahan at kupkopin ng pari, wala nang ibang pangarap ngayon si Justin kung hindi ang makilala ang kaniyang tunay na mga magulang sa pagsapit ng kaniyang kaarawan ngayong Oktubre. Matupad kaya ito?

Pero batay sa isinagawang pagsasaliksik ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" tungkol sa mga taong may posibleng nalalaman sa katauhan ng ina ni Justin, may ibang kuwento na lumutang na taliwas sa inakala niyang iniwan lang siya basta sa simbahan.

At sa panayam kay Justin, inihayag din ng binata na hindi niya maiwasan na malungkot at masaktan kapag nakakabalita na may mga anak na binabalewala lang ang kanilang mga magulang. Samantalang ang katulad niya, naghahanap at nangungulila sa pagmamahal ng mga magulang.

Matupad nga kaya ang tila birthday wish ni Justin? Panoorin ng video na ito.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News