Bukod sa pagiging isang sagradong selebrasyon, inaabangan ng maraming pamilyang Pilipino ang kapistahan dahil isa ito sa mga okasyon na nagkakasama-sama ang mga magkakaanak at magkakaibigan para sa magdiwang.

Sa programang "Brigada", sinabi ni Philippine Studies Professor Jimmuel Naval ng UP Diliman na maituturing na ring "Pasko" ang piyesta dahil nagsisilbi itong pasasalamat sa pamamagitan ng pagpapakain sa maraming tao, at panahon din para magkakabati-bati ang mga magkakaaway.

Sa pakikipagdiwang ni Katrina Son sa kapistahan ng San Isidro Labrador sa Paombong, Bulacan, nakita niya na ang bawat nakikisaya sa kapistahan ay nagnanais ng biyaya para sa kanilang mga mahal sa buhay, ihayag ang totoong sarili, at isang okasyon para patunayan ang pagmamahal sa pamilya. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News