Isang lalawigan sa Region 4-B ang binansagang "Jurassic Park of the Philippines" dahil sa mga nadiskubreng marine fossil o labi ng mga lamang-dagat tulad ng "ammonites" na nabuhay sa mundo na kasabay ng mga dinosaur. Alamin kung saan ito matatagpuan.
Sa Mansalay, Mindoro Oriental natagpuan ang mga tinatawag na Jurassic marine fossil.
Ang mga ammonite ay sinasabing nabuhay sa mundo 165 milyong taon na ang nakalilipas. At kasabay ng pagkawala ng mga dambuhalang dinosaur, nawala na rin ang mga ammonite.
Kung may nakitang mga labi ng ammonite sa lugar na ito, posible rin kayang dumating ang panahon na may makitang fossil o buto naman ng mga dinosaur? Panoorin ang video na ito ng "iJuander."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News