Gulay kapag hilaw, prutas kapag hinog— 'yan ang langka.
Pero bukod sa pagtatanim, maganda ring pagkakitaan ang mga nagagawang lutuin at kakainin gamit ang langka tulad ng turon con langka, taho with langka at pati na ang healthy na langka sardines.
Ayon sa isang nutritionist, maituturing na super fruit ang langka dahil sa dami ng bitamina nito na maganda sa ating katawan tulad ng pagpapahusay sa serkulasyon ng ating dugo at maging sa puso.
Mayroon umano itong calcium na maganda sa buto, vitamin C na mahusay sa immune system, vitamin A na kailangan ng ating mga mata, at marami pang iba.
Alamin ang mga patok na kakanin at mga lutuin na maaaring magamit na pangkabuhayan gamit ang hanep na prutas con gulay na langka. Panoorin sa video na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Click here for more GMA Public Affairs videos
--FRJ, GMA News