Sa programang "Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie," sinabi ni Senador Risa Hontiveros na patuloy na dumadami ang bilang ng mga tinedyer na babae (edad 15 hanggang 19) ang maagang nagiging nanay. 

Batay sa datos ng Philippine National Demographic and Health Survey, nitong 2017,  22.4 percent ng mga babaeng edad 19 ang naging nanay na. Sa mga 18 anyos naman, 12.8 percent sa kanila ang nagsilang na, habang 4.9 percent naman ng mga edad 17 ang maaga rin na naging ina.

Ang mga "nene" pa na 15 at 16 anyos na maagang nagkaroon ng kanilang "nene," nasa 0.5 at 3.7 percent, ayon sa pagkakasunod.

Pinakamaraming insidente umano ng teenage pregnancies ang naitala sa Davao region, Northern Mindanao, Soccsksargen,  Ilocos region at Mimaropa.

Dahil sa murang edad, hindi pa umano fully developed ang katawan ng mga batang ina kaya nagbibigay ito ng peligro,  hindi lang sa ina kung hindi maging sa sanggol sa kaniyang sinapupunan. Panoorin ang pagtalakay ng programa sa usaping ito na kinakaharapan ng mga kabataan ngayon.


Click here for more GMA Public Affairs videos

-- FRJ, GMA News